Sanya Lopez tumodo ng laplapan kay Rocco Nacino

SANYA LOPEZ AT ROCCO NACINO

HIGIT na mapangahas si Sanya Lopez sa bago niyang soap na “Haplos.”

Pinagpipistahan ngayon ang laplapan nila ni Rocco Nacino sa nasabing serye sa swimming pool kung saan nakasuot ng red swimsuit ang Kapuso actress.

Kung sa Encantadia ay pigil pa ang halikan nina Rocco at Sanya, tumodo na silang dalawa sa bagong GMA program lalo na’t bidang-bida na sila rito, huh!

Naintriga nga lang ang ilang followers ni Sanya dahil sa isa niyang picture, lalaki ang hitsura niya. Pero sa ngasaban nilang ‘yon ni Rocco, lasap na lasap nila ang labi ng bawat isa!

No wonder, inggit ngayon ang ilang Kapuso actors kay Rocco dahil siya ang unang nakabinyag sa labi ni Sanya.

Read more...