Aktor magaling gumawa ng gimik kaya pinag-uusapan

NAPAPAILING na lang ang mga executive na nakatsikahan namin tungkol sa isang aktor na pasimple raw gumawa ng isyu para pag-usapan siya.

“Ang galing niya gumawa ng dahilan para maging isyu at pag-usapan siya,” sabi ng soft spoken na TV executive.

Ang aktor na laman ng blind item namin ay sikat naman at kilala ng lahat kaya nagtataka ang mga kausap naming executive kung bakit kailangan pa nitong gumawa ng eksena.

“Wala na kasi puwedeng pag-usapan tungkol sa kanya, wala naman kasing bago sa kanya, lalo na sa lovelife kaya iba na lang,” hirit naman ng executive na matabil ang dila.

“In fairness sa lolo mo, tagumpay ang gimik niya, pinag-uusapan siya ngayon, laman siya ng social media. Ha-hahaha! Marunong talaga,” tumawang sabi ng mabait na executive na nakatrabaho na rin ng aktor.

“Hindi kasi lahat ng sikat ay pinag-uusapan, may mga hindi sikat pero laman ng balita kasi bukod sa mahusay humawak ng manager nila o publicist nila at hindi naman hard sell ang isyu, kinakagat ng tao.

“May sikat naman na halos positive ang ginagawa, pero hindi masyadong kinakagat kasi hard sell.

Minsan may mga artistang iwas ng iwas sa isyu kuno para habulin sila ng reporters,” paliwanag pa ng kausap naming TV executive.

Read more...