Sharon aprub na aprub sa paglipad ni Liza bilang Darna

APRUB na aprub kay Megastar Sharon Cuneta ang pagkakapili kay Liza Soberano bilang bagong Darna sa big screen.

Isa si Shawie sa mga nabigyan ng chance na gampanan ang iconic Pinay superhero noong kasagsagan ng kanyang kasikatan. Kung hindi kami nagkakamali, ito’y sa pelikulang “Captain Barbell” na pinagbidahan nina Edu Manzano at Herbert Bautista.

Sey nga ni Mega, excited na siyang makita si Liza na lumilipad at nakikipagbakbakan sa mga kalaban.

“I really love Liza Soberano. I knew before pa, alam mo naman dito (Star Cinema) kami-kami rin nagkakaalaman but honestly maka-Liza ako and my kids, they really love Liza,” sabi pa ng isa sa mga coach sa The Voice Teens.

Wala pang announcement ang Star Cinema kung sinu-sino ang makakasama ni Liza sa “Darna”, kabilang na ang magiging ka-loveteam niya sa movie.

Read more...