Pauleen, Liza napa-wow sa katawan ni Maine

Mula sa IG account ni Maine Mendoza

UMAAPAW ang hatid na init ni Maine Mendoza nang mag-post ng photo na naka-bikini sa kanyang Instagram account, huh! Deactivated man ang kanyang Twitter account, buhay na buhay pa naman ang kanyang Instagram.

Sa Maldives ang lokasyon ngayon ni Meng kasama ang kapatid na si Coleen, Eat Bulaga boss na si Jenny Ferre at Celeste Tuviera na hairdresser specialist niya. Ngayon lang kasi nagpasiklab nang todo ang Phenomenal Star ng kanyang kaseksihan kaya naman halos 200K likes ang hinamig ng post niya.

Komento naman ni Pauleen Luna-Sotto, “Ayan na!!! Achieve!!!”

Sey naman ni Iza Calzado, “Boom!” Fiesta talaga ang followers niya sa pagpapaabot ng papuri!

Siyempre, may sumingit na bashers na nagkomento rin sa photo ni Meng. Pero as usual nilantakan talaga ng fans ng dalaga ng kaliwat kanang ’banat ang mga pakialamero’t pakialamera.

Sa isa niyang post, natupad ang wish ni Meng na makapunta sa Maldives na kanyang dream destination. This weekend daw ang balik ng Phenomenal Star na fully-recharged!

Read more...