Sylvia Sanchez pinahihirapan ni Elma Muros

INAABANGAN na araw-araw ng Sylvianians ang video na pino-post ni Sylvia Sanchez araw-araw sa kanyang social media account. Tinututukan nila ang updates sa #operationtaba program nila ng kanyang anak na si Arjo Atayde.

Marami ang humanga at natatawa sa post ng aktres nitong Miyerkules dahil naka-thermal suit o sauna suit weigh loss si Ibyang gayung tirik na tirik ang araw habang tumatakbo sa Ultra Oval kasama ang SEA games champion na si Elma Muros.

Ang caption ng video, “Totohanan na ba talaga ito Ms, Elma Muros? Wala na ba talagang tawad to? Ano ba talaga balak mo?

Hindi nga ako sasali sa world master 2018 (age bracket) sa’yo nalang yan, ok na ako sa pagiging Mommy Glo.

“Ang hirap ha pero ang sarapppp! Sige lng! Para sa ikakapayat ko thank you sa tiyaga’t pagmamahal mo sa akin, mula non hanggang ngayon. Appreciated!! Love you. Happy morning!”

Baka naman plano ni Ibyang na habulin ang kaseksihan ng idolo niyang si Wonder Woman?

Curious tuloy kami kung anong next project ni Ibyang at talagang kinakarir niya ngayon ang pagpapaseksi.

Read more...