PATAY ang isang pulis matapos ang isinagawang operasyon para mailigtas ang isang dinukot na babae sa Barangay Buliran, Nueva Ecija kahapon.
Napatay din ang kidnaper na si Aldy Mendez, matapos ang nangyaring habulan, nang barilin si PO3 Marlon Francisco, isang miyembro ng Sta. Rosa police station, ganap na ala-1:30 ng hapon, ayon kay Senior Supt. Antonio Yarra, Nueva Ecija police director.
Dinukot ni Mendez ang biktimang si Daiselyn Popes noong Mayo 16 matapos niyang mapatay ang kanyang kapareha na si Ricky Agustin sa bayan ng Sta. Rosa, sabi ng pulis.
Natagpuan ng mga pulis ang biktima na may kadena sa sa kanyang leeg at kamay.
Sinusuri pa ang biktima kung ginahasa rin ito.
Dinala si Francisco sa isang lokal na ospital ngunit idineklara siyang dead on arrival ng mga doktor.
Sinabi ng pulisya na ni-raid ng pinagsanib na puwersa ng San Antonio and Sta. Rosa, at Nueva Ecija Police Provincial Public Safety Company (PPSC) ang isang kubo kung saan dinala ni Mendez ang biktima.