MAY naghihintay na trabaho sa mga naghahanap ng trabaho sa selebrasyon ng Independence Day.
Sa Hunyo 12 ay itinakda ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang job and business fairs bilang bahagi ng pagdiriwang ng bansa sa 119th anniversary ng proklamasyon ng Philippine independence.
May 21 venues ang pagdarausan ng job at business fair sa buong bansa.
Kabilang sa mga ito ang mga sumusunod:
Sa National Capital Region (NCR), ang job at business fair ay isasagawa sa Senior Citizen’s Garden sa Rizal Park, Manila.
Sa Cordillera Administrative Region (CAR): SM Baguio City.
Sa Region I: CB Mall, Urdaneta City, Pangasinan; Nepo Mall, Dagupan City; Candon Civic Center, Candon City, Ilocos Sur; Manna Mall, San Fernando City, La Union; at Robert Estrella Gymnasium, Rosales, Pangasinan sa June 13.
Region II: Cagayan State University, Caritan Campus Gym, Tuguegarao City.
Region III: Malolos Convention Center, City of Malolos, Bulacan.
Region IV-A:Binangonan Municipal Hall, Binangonan, Rizal.
Sa Mimamora: Xentro Calapan Mall, Roxas Drive, Lumangbayan, Calapan City; at Municipal Plaza, San Jose, Occidental Mindoro.
Sa Region VI: Marymart Mall, Iloilo City.
Sa Region VIII: acloban City Convention Center, Tacloban City; at sa Catbalogan City Plaza, Catbalogan City, Samar sa June 15
Sa Region IX : KCC Mall de Zamboanga, Gov. Camins Road, Zamboanga City.
Region 10: Limketkai Atrium Center, Cagayan de Oro City.
Sa Region 11: Felcris Centrale, Quimpo Blvd., Davao City.
Region 12: SM City sa GenSan, General Santos City.
Sa CARAGA: Provincial Capitol, Butuan City sa June 14
Sa Negros Island Region (NIR): 888 Premiere Mall, Bacolod City.
PInapalalahanan naman ang mga job seekers na dalhin ang mga kinakailangan gaya ng resume or curriculum vitaé; 2×2 ID pictures (secure multiple copies for multiple applications); certificate of employment (for those who were formerly employed); diploma; transcript of records; at authenticated birth certificate.
Maaari rin na bumisita ang mga jobseekers sa https://philjobnet.gov.ph/
Director Dominique Tutay
Bureau of Labor Employment
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.