MARIING itinanggi ng Kapamilya youngstar at I can Do That celebrity contender na si Sue Ramirez na may relasyon na sila ni Gab Valenciano. May mga kumakalat kasing chika na na-develop na raw ang dalawa pagkatapos ng ilang beses nilang pagtatambal sa I Can Do That.
Sa presscon kahapon ng “4 Of A Kind”, ang first major concert ni Sue kung saan makakasama rin niya ang tatlo pang pambatong young singers ng Star Magic na sina Kristel Fulgar, Loisa Andalio at Maris Racal, nilinaw ng dalaga ang isyu sa kanila ni Gab. Aniya, “Naku, wala ‘yun, super close lang talaga kami ni Gab. Mas naging malapit pa kami after ng I Can Do That. Yun lang ‘yun.”
Paano kung manligaw nga si Gab sa kanya may pag-asa bang sagutin niya ito? Sagot ng singer-actress, “Ayoko namang magsalita nang tapos, pero sa ngayon wala pa talagang…ano, we’re really good friends.”
Kasabay nito, itinanggi rin ni Sue na nagkaroon sila ng relasyon ni Ronnie Alonte, wala pa raw siyang nakakarelasyon na taga-showbiz.
Diretso namang inamin ni Sue na si Zanjoe Marudo ang super crush niya ngayon sa showbiz, gustung-gusto raw niya ang personality at itsura ng aktor. Pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay gusto na niyang maging dyowa ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo. Ibinalita rin ng dalaga na bukod sa nasabing concert, magkakaroon din siya ng pelikula sa Regal, ang Debutante at kasama rin siya sa La Luna Sangre nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Samantala, excited na si Sue sa mga gagawin nilang production numbers sa “4 Of A Kind: The Un4gettable Concert”, lalo na ang collaborations niya with Kristel, Loisa and Maris. Sigurado raw makaka-relate ang kanilang mga fans sa mga pasabog nila sa show. This is produced by by Hills & Dreams Events Concepts in partnership with EG ENGO. For ticket inquiries, call Music Museum (721-6726) or Ticketworld (891-9999).