Kilalang male celebrity kapit sa patalim, pumapatol pa rin sa mayamang bading

KAPIT sa patalim ang tawag ng mga tunay na nakakakilala sa isang male personality nang makarating sa kanila ang kuwento na ngayon pala ay madalas na siyang sumasama sa mga becki.

Wala namang masama sa pakikipagkaibigan sa mga becki, pero iba nga ang pananaw nu’n ng lalaking personalidad, kapag sumama ang isang straight sa bading ay may kakaibang kahulugan na ‘yun.

Siya ang nagpalutang ng ganu’ng impresyon, siya ang may ganu’ng paniniwala, kaya du’n din siya hinuhusgahan ngayon ng mga becking nakakakilala sa kanya.

Kuwento ng isang source, “So, ano ang ibig sabihin nito? Wala lang, sumasama lang siyang mag-dinner sa becki dahil nagugutom siya, ganu’n? Walang ibang dahilan ‘yun?

“E, siya mismo ang nagsasabi nu’n na kahit anong pilit sa kanya ng mga becki na mag-bar, e, ayaw niyang sumama, di ba? Kasi nga, para sa kanya, kapag nakita niyang may kasamang becki ang guy, ang ibig sabihin na nu’n, e, may relasyon sila.

“Or, kundi man magkarelasyon, e, pumapatol na ang lalaki sa becki, ganu’n! So, ngayong nakikita na siyang may kasamang becki, e, wala lang ‘yun?” madiing tanong ng aming impormante.

Dahil sa matinding pangangailangan ay mukhang bumitiw na nga ang guwapong personalidad sa kanyang dating paninindigan. At hindi na siya nahihiyang makita ngayon na may kasamang becki.

“So, nu’ng makita siyang kasama ang isang kilalang becki sa showbiz, e, nagkasalubong lang kaya sila nu’n at nagkayayaang magkape-kape kahit bumaba sila sa isang karu lang? Huwag kasing nagsasalita nang tapos, di ba?

“Tulad n’yan, wala na halos siyang ginagawang project, mapanood man siya sa TV, e, pasulput-sulpot lang! E, may pamilya na siya, di ba? At may matinding pangangailangan ang family niya sa ngayon, sa totoo lang!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo siya. Ano kaya ang masasabi ngayon ng isang female personality na dati niyang karelasyon na biglang nawala at bigla ring bumalik na may career na pala sa bansang pinagmulan niya?” pagtatapos ng aming source.

Read more...