Kapamilya comedian pasok bilang sidekick ni Jodi sa teleserye

INUULAN ngayon ng offer sa TV at pelikula ang komedyanteng si Jobert Austria. Bukod sa Banana Sundae at Home Sweetie Home, kasama rin siya sa bagong teleseryeng Sana Dalawa Ang Puso Ko nina Robin Padilla, Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Kung si Bayani Agbayani ang parang “sidekick” ni Richard at si Ryan Bang naman kay Robin, kay Jodi naman naka-assign si Jobert together with Kiray Celis.

Sa line-up pa lang nila bilang “sidekicks” ng tatlong bida, siguradong may halong comedy ang balik tambalan nina Jodi at Richard na may malaking bonus pa with the presence of Robin.

Bukod sa tatlong regular shows niya, may mga movie offer din kay Jobert. Isa na riyan ang latest film ni Vhong Navarro na “Woke Up Like This.” Sad to say, his management company na Adstellar headed by Victor Naynes had to turned it down. Hindi kasi umubra ang schedule ni Jobert sa shooting days ng bagong movie ni Vhong.

This is the same reason kung bakit hindi rin nila magawa ang supposed to be launching movie ni Jobert.

Anyway, ang iba pang talents ni Victor na kasama ni Jobert sa Adstellar talent management ay ang bagong artist na si Karen Amry na nasa cast na rin ng Banana Sundae. Plus, ang child star na si Ashely Sarmiento na gumanap na Flor sa seryeng Flor de Liza ng yumaong director na si Wenn Deramas.

Kahit baguhan lang sa Banana Sundae, agad na nabigyan ng magandang exposure at segment sa show si Karen. Kaeksena niya agad ang big stars sa gag show gaya nina John Prats, Angelica Panganiban at Jason Gainza.

Happy si Karen dahil they easily made her feel very comfortable sa mga eksena niya sa show.

Kahit paseksi si Karen, inamin niya na may inhibitions pa rin daw siya in doing sexy roles.

“Ayoko nang huad-hubad po. Siguro hanggang two-piece, two-piece lang muna po. Kasi nag-FHM magazine na rin po ako noon.

“Siguro mga five magazines na rin po na-feature ako, noon pang 2015 until now,” lahad ni Karen.

Read more...