Pinoy group na Y.O.U wagi sa K-Pop Cover Dance Festival

NAKUHA  ng KPOP cover group na Y.O.U ang ikalawang pwesto sa ginanap na KPOP Cover Dance Festival (KCDF) 2017 na ginanap sa Seoul, South Korea.

Kabilang sa top 4 na nagperform noong June 3 ang mga grupong galing Russia, United States at South Korea.

Naki join naman ang mga Pinoy fans sa pamamagitan ng pag-tweet sa kanilang mga pambato na Y.O.U.

Sampung finalist mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Mexico, United States, Russia, Vietnam, Hongkong, Japan at siyempre South Korea ang  nakapasok.

Nakuha naman ng Russia ang pinakabagong kategorya na Twitter Popular Choice award kung saan ang mga fans ay may pagkakataong ipatrend ang kanilang chosen finalist.

Tinatayang 219, 000 fans ang nanood sa live streaming ng semi-finals.

Magsisilbing opening act naman ang top 4 groups na nagwagi, kasama ang Pilipinas, sa darating the Dream Concert 2017.

 

 

Read more...