Tatandang dalaga ba?

Sulat mula kay May ng Diaz Subdivision, Lagao, Gen San City
Dear Sir Greenfield,

May 29, 1975 ang birthday ko at nitong nakaraang birthday ko, eksaktong 42 na ang edad ko subalit ang labis kong pinagtataka hanggang ngayon hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Gusto ko na sanang mag-asawa, hanggat nagkakaroon pa ako para magka-baby. Sa palagay nyo Sir Greenfield, makapag-aasawa pa kaya ako o tatandang dalaga na lang habang buhay? At kung sakaling makapag-aasawa ako kailan naman ito mangyayari o magaganap? At kung sakaling makapag-asawa, magkaka-baby pa kaya kami at kung lalaki ba o babae ba ang una naming magi-ging baby?
Umaasa,
May ng Gen San City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kahit na napadulo o huli na ng dumating kapansin-pansin na mang may malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kahit na sabihin pang 42 na ang iyong edad at kahit na lumagpas pa ng 43, walang alinlangan, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran – makapag-aasawa ka at magkakaroon ng isang simple at masayang pa-milya habang buhay.
Cartomancy:
Five of Hearts, Queen of Hearts at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1..). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking mas matanda sa iyo ng isa hanggang limang taon ang iyong mapapangasawa at ang pag-aasawang ito ay magaganap sa susunod na taong 2018 sa buwan ng May, bago sumapit ang edad mong 43.
Itutuloy….

Read more...