SA isang malaking okasyon ay magkakasamang dumating ang mga kababaihang pare-pareho ng brand ang imported bag, magkakaiba lang ng design, pero iisa lang pala ang pinagmulan.
Slightly used ang mga branded bags, binili nila sa isang kaibigan, wala silang kaalam-alam na isang female personality lang pala ang dating may-ari ng mga ‘yun.
Kuwento ng isang source, “Dating mga bag ni ____ (pangalan ng babaeng personalidad) ‘yun, pero di ba, nagkabisyo siya nu’n, kaya kinailangan niyang magsangla-magbenta ng mga personal stuff niya?
“Nalulong siya sa sugal nu’n, grabe siyang magsugal, kaya kahit wala na siyang pera, e, kinakati-kati pa rin ang mga kamay niya. Ang pinapupunta niya sa sanglaan, e, ang assistant niyang becki, marami siyang nai-pawn na kagamitan.
“May mga shades pa nga siyang ipinasangla, pero ang karamihan, e, ang mga branded bags and wallet niya. Siguro nga, e, naubos na ang mga naipundar niya dahil sa pagbibisyo niya nu’n,” kuwento ng aming impormante.
Heto na. Dahil sa pagkabaon na sa utang at bisyo ng aktres ay napabayaan na lang niya ang mga branded bags na ipinasangla niya. Nagkataon naman na kaibigan pala ng grupo ang may-ari ng sanglaan.
Patuloy ng aming source, “Kaya isa lang ang owner ng mga slightly used bags nila. Kay ____ (ang female personality) lang ‘yun! Lahat sila, nakabili, nanghihinayang nga sila kung bakit pinabayaan na lang ‘yun ng owner, e, ang mamahal ng brand na ‘yun, di ba?
“Wala talagang magandang naibibigay sa tao ang pagsusugal. Imagine, maraming taon niyang ipinundar ang mga branded bags na ‘yun, tapos, nawala lang sa kanya nang paganu’n!
“Aray ko! ‘Yun lang talaga ang masasabi natin dahil sa nangyari sa girl! Aray ko lang! Di ba naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday?” pagtatapos ng aming source.