MayWard, KissMarc sumabak na sa shooting ng ‘Loving In Tandem’

NAGSIMULA nang mag-shooting sina Maymay Entrata at Edward Barber, Kisses Delavin at Marco Gallo para sa launching movie nilang “Loving In Tandem” under Star Cinema.

Sa Instagram account ng Star Cinema, naka-post ang ilang mga litrato na kuha sa location ng movie.

Ilang larawan naman ang ipinost sa mga official fan page ng MayWard loveteam na kuha bago mag-start ang shooting ng dalawa.

Ang “Loving In Tandem” ay sa direksyon ni Giselle Andres na nagsabing, “Kung ano ‘yung minahal sa kanila ng mga tao so tina-try namin i-incorporate sa movie na ito para natural na, tapos mas magiging kamahal-mahal pa sila.”

Ngayon pa lang ay atat na atat nang mapanood ng fans ang nasabing pelikula.

Read more...