TULOY ang concert ng American pop star na si Ariana Grande sa Manila ngayong darating na August sa kabilang ng naganap na terror attack sa Manchester noong nakaraang buwan.
Nagdesisyon ang producer at organizer ng “Dangerous Woman” tour ni Ariana na huwag nang i-cancel ang Manila leg ng nasabing concert.
Magaganap ito sa Aug. 21 sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City, base na rin sa tweet ng Music Management International. Bukod sa Pilipinas, itutuloy na rin ang iba pang schedule ng “Dangerous Tour” sa US, Australia at Asia.
Kung matatandaan, nagkagulo sa concert ni Ariana sa Manchester noong nakaraang buwan nang magpasabog ang isang suicide bomber na ikinasawi ng 22 katao at ikinasugat ng 100 iba pa.
MOST READ
LATEST STORIES