GINAPANG nga ba ni Ogie Diaz ang role ng Darna para mapasakamay ng kanyang alagang si Liza Soberano?
Sa tono ng Facebook post ni Ate Ogie, ito ang lumulutang na kuwento in showbiz circles, but he’s quick to “downplay” his powers. Aniya, ganu’n na raw ba siya kamakapangyarihan sa mga powers-that-be ng Star Cinema?
Katwiran niya in jest, kung totoong ginamitan niya ‘yon ng kanyang kapangyarihan he would have persistently fought for a role in the movie, ang papel na Ding. Tutal naman ay umaarte naman siya.
Mahirap paniwalaan na kailangang magkaroon pa ng gapangan para sa role. And just who’s griping dahil napunta ‘yon finally kay Liza?
Bakit hindi na lang kasi tanggapin ng mga “sore losers” that no actress except Liza Soberano can do justice to the Darna character sa lahat ng aspeto nito?
For sure, kahit magkaroon pa ng internal voting among all ABS-CBN artists Liza would get the highest number of votes as to who they believe should play the Pinoy super heroine.
What actually seems quite disturbing para sa amin ay ang napisil na magdidirek nito, si Erik Matti. Embroiled in cyber bedlam with the DDDs (Defiant Diehard Dutertards), nagbanta kasi ang mga ito na ibo-boycott ang “Darna” movie.
Let direk Erik’s body of work speak for itself. After watching the raw version of his “Aswang Chronicles” at a quaint studio along Pasay Road years ago, idinagdag na namin ang Ilonggo director sa maikling listahan ng mga hinahangaan namin (in fact, idolatry got the better of us when we insisted a souvenir photo taken with him).
Sana’y ito ang pahalagahan ng movie going public more than his political stand, rash if not uncouth as it sounds. Mamamayan din naman si direk Erik who simply invokes his right to self-expression on issues of national concern.
‘Yun nga lang, his foul language punctuated with crisp PI’s albeit wala namang pinatutungkulan leaves a bad taste in the mouth. Sana man lang, sinadya ni direk Erik na bumara sa kanyang lalamunan ang mahiwagang bato ni Darna to prevent himself from uttering cuss words.