MRT nagkaaberya muli

MRT

Dalawang beses nagka-aberya ang Metro Rail Transit Line 3 ngayong araw.
Una itong nagkaaberya alas-6:32 ng umaga. Nagkaroon ng technical problem ang north bound train sa Cubao station kaya pinababa ang mga pasahero.
Alas-10 ng umaga naman ng masira ang northbound train sa GMA Kamuning station. Pinababa rin ang mga pasahero dahil sa technical problem.
Mula Lunes hanggang kahapon ay pitong beses ng nagkaka-aberya ang MRT 3.
Isang beses noong Mayo 29, dalawa noong Mayo 31, at dalawa noong Hunyo 1.
Kahapon ay nagkaroon din ng aberya ang operasyon ng LRT 2 matapos na pumulupot ang isang tarpaulin sa quaternary wire ng tren sa pagitan ng Legarda at Recto stations.
Humingi ng paumanhin  ang LRT 2 dahil kinailangan na limitahan ang biyahe ng tren mula sa Santolan station hanggang sa V. Mapa station.

Read more...