Naghahanap ng syota? (2)

Sulat mula kay Jerome ng Bagolatao,  Minalabac, Camarines Sur
Dear Sir Greenfield,
1.      Tawagin mo na lang akong Jerome.  Umabot ako sa edad na 27 nang hindi nakapag-girlfriend ni minsan. Sa ngayon ay nagta-trabaho ako bilang collector ng loan company at okey naman ang suweldo ko rito.
2. Naisipan ko pong sumulat sa inyo kasi gusto ko nang magka-girlfriend at mag-asawa. Sana masagot ninyo ang tanong ko kung kailan ako makakahanap ng girlfriend at makapag-aasawa? July 7, 1986  ang birthday ko.
Umaasa,
Jerome ng Camiares Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 1.) ang nagsasabing isang isang babaing Virgo ang nakatakda mong maging girlfriend na sa una nyong pagkikita, ang nasabing babae ay nakasuot ng kulay white na shirt.
Numerology:
Ang birth date mong 7 ay nagsasabing sa taon ding ito ng 2013 darating ang nasabing babae na magiging girlfriend mo, sa saktong last week ng Oktubre hanggang sa first week ng Nobyembre, sa panahong iyon magaanap ang una nyong pagkikita at pagda-date.
Graphology:
Ang iyong lagda na kinakitaan ng malinaw na phallic symbol sa buntot ng letang “g”. Ibig sabihin ngayon palang masiglang-masigla na ang iyong libido at nasagap na ng unconscious self mo ang susunod magaganap – tulad ng nasabi na, sa last quarter ng taon ito ng 2013 magkaka-syota ka na rin sa wakas.
Huling payo at paalala:
Jerome ayon sa iyong kapalaran kusang darating ang babaing matagal mo ng hinihintay at ito ay magaganap sa taon ito ng 2013 sa buwan ng Oktubre hanggang Nobiyembre sa edad mong 27. Magiging mainit ang inyong relasyon, hanggang mauwi sa isang masaya at pang habang buhay ng samahan, na nakatakda namang mangyari sa susunod na taong 2014 sa buwan ng Mayo sa edad mong 28 pataas, sa panahon nabanggit makapag-aasawa ka na at habambuhay na liligaya.

Read more...