Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. San Miguel Beer vs. GlobalPort
7 p.m. Ginebra vs. Mahindra
Team Standings: Star (9-2); Ginebra (8-2); San Miguel Beer (8-2); TNT Katropa (8-3); Meralco (7-4); Rain or Shine (5-6); GlobalPort (4-6); Phoenix (4-7); Alaska (4-7); Mahindra (3-7); Blackwater (2-9); NLEX (2-9)
PUNTIRYA ng magkapatid na koponang Barangay Ginebra at San Miguel Beer na makopo ang unang dalawang silya sa elims na may kaakibat na twice-to-beat advantage sa playoff round ng PBA Commissioner’s Cup.
Kasalukuyang tabla sa pangalawang puwesto ang Gin Kings at Beermen at kung pareho nitong mabibigo ang mga makakalaban ngayon ay magkakaroon ng three-way tie sa pagitan ng Ginebra, San Miguel at Star Hotshots na pawang may 9-2 kartada.
Kapag nagkaganito ay mapupunta ang No. 1 spot sa Barangay Ginebra, makukuha ng San Miguel ang No. 3 at babagsak sa No. 3 ang Star.
Ang top two teams lamang sa pagtatapos ng elims ang magkakaroon ng twice-to-beat edge kontra sa No. 8 at No. 7 teams sa playoff.
Ang 3rd to 6th placers naman ay magsasagupa sa best-of-3 playoff series.
Huling araw na ng eliminasyon ngayon at makakasagupa ng Ginebra at San Miguel ang dalawang koponang umaasa namang makakapasok sa playoffs.
Alas-4:15 ng hapon ay magtatapat ang San Miguel Beer at GlobalPort at sa 7 p.m. main game naman ay magtutuos ang Ginebra at Mahindra sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.
“Needless to say, we really want that top seed. That makes our game against Mahindra crucial to us,” sabi ni Ginebra head coach Tim Cone na pakay din ang ikaapat na diretsong panalo ngayon.
“That doesn’t mean that just because we want it we’re going to get it. You’re never given anything in our league, you always have to earn it with our hardwork and execution. Nothing comes easy in the PBA.”
Samantala, pag-aagawan ng GlobalPort (4-6), Phoenix (4-7), Alaska (4-7) at Mahindra (3-7) ang huling dalawang silya sa playoffs.
Kapag tinalo ng Batang Pier ang Beermen mamaya ay aakyat sa ika-limang puwesto ang GlobalPort dahil sa tinalo nito sa elims ang nagdedepensang kampeong Rain or Shine, 107-101, noong Mayo 26.
Ngunit kapag natalo ang GlobalPort ay makakatabla nito para sa ikapitong puwesto ang Phoenix at Alaska.
At magiging four-way tie naman ito sakaling manaig ang Mahindra laban sa paboritong Barangay Ginebra ngayon. —Angelito Oredo