Horoscope, June 02, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Malaking halaga ang kikitain sa produktong may kaugnayan sa modernong komunikasyon. Sa pag-ibig, unawa ang kailangan upang lalo pang lumawig ang pagmamahalan. Mapalad ang 5, 18, 25, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Yasoda-Om.” Blue at maroon ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa padaskol-daskol na pagkilos, pagkalugi ang kasunod. Sa pag-ibig, iwasang apurahin ang pakikipagromansahan sa kasuyong mapusok. Sa dahan-dahan at unti-unting haplos, mas magiging mainit ang pagniniig. Mapalad ang 5, 14, 23, 29, 32, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Slowly but surely.” Pink at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Paglaanan ng budget ang kasalukuyang pasukan ng mga bata. Sa isang Virgo ka mangutang, hindi ka niya tatangihan. Sa pinansyal, mas makatitipid ng kuryente kung iiwasan muna ang pagpe-Facebook. Mapalad ang 6, 17, 29, 37 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Budhananda.” Purple at white ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Bagong opportunity ng paglalakbay ang mabubuksan – sunggaban agad. Sa pag-ibig, isang Libra ang kikiliti sa iyong damdamin. Habang umuulan isang nakakikilig na relasyon ang mabubuo. Mapalad ang 3, 12, 15, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: Mapalad ng 1, 4, 16, 24, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Kedemel-Om.” Silver at beige ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Wag nang pautangin ang mga dating umutang na hindi naman nagsipagbayad. Sa pag-ibig, imbes na ikaw ang sumunod, pasunurin ang iyong kasuyo upang tuluyan na siyang tumino. Mapalad ang 3, 12, 15, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Rama-Rama-Om.” Gray at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Simple lang ang sikreto ng pagyaman. Magtabi muna bago gumastos. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na magbukas kayo ng shared account na hindi gagastusin kahit ano ang mangyari. Mapalad ang 5, 14, 23, 30, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Lilac at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Higit na kikita ng malaking halaga kung patuloy ang ugaling pagpapakumbaba. Sa pag-ibig, daanin sa paawa-effect ang diskarte sa minamahal upang mapagbigyan ka sa malaon mo ng hinihiling. Mapalad ang 4, 12, 29, 38, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Kali-Homa-Karin-Japa-Om.” Red at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Muling patatagin ang gumegewang na relasyon. Regaluhan ng bagong unit ng cellphone ang kasuyo. Sa pinansyal, aanhin ang maraming pera kung malungkot naman ang iyong minamahal? Mapalad ang 3, 15, 27, 37, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Devah-Om.” Pink at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Isang Capricorn ang makaka-solve ng iyong mga problemang pampinansyal habang sa pag-ibig, isang Taurus ang sa iyo ay magpapalasap ng kumpletong ligaya. Mapalad ang 8, 14, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Name-Dosya-Om.” Gold at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag masyadong maging mabait, di mo ba napapansin sa sobrang kabaitan ay nagiging uto-uto ka na? Matutong tumanggi upang hindi maubos ang pera. Sa pag-ibig, hinihintay ka na ng isang Aries. Mapalad ang 3, 9, 21, 30, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suryaye-Maneh-Om.” Violet at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pinansyal, wag manisi ng kapwa sa pagkaluging napala. Makakabawi at makakabangon kang muli. Sa pag-ibig, bahagi ng buhay ang pagkakamali kaya patawarin ang kasuyo na humihingi na naman ng sorry. Mapalad ang 3, 6, 9, 19, 33, at 40. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisnah-Rama-Rama.” Lilac at black ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Unti-unting matutupad ang pangarap, ngunit maraming kumplikadong bagay ang magaganap. Laging magdasal, si Lord ang tanging magliligtas sa iyo sa malamin na kalungkutan at pangungulila. Mapalad ang 6, 9, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Red at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Mahirap talagang mawalay sa pamilya, subalit kailangan mong tiisin upang umunlad ang inyong kabuhayan. Sa pag-ibig, sa iyong pagbabalik lalo pang mag-iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 4, 7, 20, 27, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Dosya-Om.” Green at blue ang buenas.

Read more...