Onyok nami-miss ng mga bagets sa ‘Probinsyano’

COCO MARTIN AT ONYOK

KALIWA’T kanang komento ang natanggap namin sa pag-alis ni Onyok (Xymon  Pineda) sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil isa raw ang bata sa nakapagpapasaya ng manonood lalo na sa mga bata.

Nang i-post namin sa Facebook na wala na si Onyok sa FPJAP, ang daming nagtanong kung bakit at may nagsabi pang, “It’s not fun without Onyok.”

Pero bossing Ervin, heto na catch, “Baka si Onyok ang gaganap na Ding sa Darna ni Liza Soberano kaya pinagbakasyon na siya para makapag-training din?”

Hmmm, oo nga ‘no, baka nga si Onyok ang napipisil na gumanap na Ding?

Base sa huling napanood namin sa ikalawang aklat ng FPJ’s Ang Probinsyano ay sobrang lungkot ni Onyok nu’ng pinagpapaalam na siya ng nanay niyang si Alessandra de Rossi kina Cardo (Coco Martin) at sa ibang mga bata na sina Makmak, Dang, Ligaya at Paquito.

May tsika naman kaming narinig na kaya kailangan na ring magbakasyon muna ni Onyok ay para magseryoso muna sina Cardo at Alyanna sa anak nila na lumalaki na.

Anyway, kung si Onyok nga ang gaganap na Ding sa “Darna” movie ni Liza ay bagay na bagay din at marami na siyang followers kaya sure hit na ang pelikula ni Direk Erik Matti mula sa Star Cinema.

Read more...