Liza nag-collapse sa training para sa life story ni Pia

LIZA SOBERANO AT PIA WURTZBACH

SI Liza Soberano na nga ang napiling gumanap na bagong “Darna” sa big screen. Pero bago siya lumipad, rarampa muna si Liza sa pagganap niya sa life story ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado.

Right choice raw si Liza na gumanap bilang si Pia dahil malaki ang pagkakahawig ng dalawa. At para mas believable na beauty queen si Liza, pinag-training pa raw siya sa beauty camp Aces & Queens for the episode.

Ang Aces & Queens is also the same group that trained Pia since she joined Binibining Pilipinas. We heard, ‘di raw nila tinantanan ni Liza para makuha perfectly ang pagrampa ni Pia on stage that was one of the deciding factors for winning the crown.

Dahil diyan, nag-collapse diumano si Liza sa taping ng “The Pia Wurtzbach Story” sa MMK sa sobrang pagod dahil sa kare-rehearse para makuha ng perfect ang galaw ni former Miss Universe.
Ang pagbibida sa life story ni Pia sa MMK would also serve as Liza’s comeback sa drama anthology ni Charo Santos after three years.

Ang last appearance niya sa longes-running drama programa ng ABS-CBN was in 2014 pa with Enchong Dee.

Pia’s lifestory on MMK will start when she was nine years old. Lumuwas sila ng kanyang ina na si Cherryl at younger sister na si Sarah from Cagayan de Oro to Manila after her parent’s separation.

Hanggang pasukin niya ang showbiz when she became a teenager. Naalaala pa namin when we attended her press launch ng bago niyang show with Bea Alonzo and Angeline Aguilar, ang K2BU at Pia Romero pa ang kanyang screen name noon.

As we all know, bumongga ang career ni Bea, thanks to Direk Olive Lamasan nu’ng i-partner siya kay John Lloyd Cruz.

Si Angeline naman daw ay ipinagpatuloy ang pag-aaral ng Fine Arts sa UST at ngayon ay nagsisikap makilala bilang jewelry designer sa New York at naggi-gig din doon bilang part ng bandang Run of Luck.

Si Pia naman ay gusto nang sumuko sa pag-aartista dahil feeling niya, wala namang nangyayari sa kanyang career hanggang sa sumali na nga siya sa mga beauty pageant.

Singer-actress Zsa Zsa Padilla will play as Pia’s mother in this episode. This episode is helmed by MMK resident director Nuel Naval.

READ NEXT
Huwag sumuko!
Read more...