Horoscope June 09, 2013 | Bandera

Horoscope June 09, 2013

Madam Sophia - June 09, 2013 - 05:41 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Linggo na – simulan ang araw sa pagsisimba. Habang napapalapit kay Lord lalong lalago ang kinikita. Sa pag-ibig mag hanap ng mapapangasawa na ang birthday 5, 14, at 23 upang yumaman ka. Mapalad ang 3, 9, 27, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agiel, Zazel, Yophiel”. Red at blue ang buenas

Aries – (Marso 21-April 19) –          Mabubulilyaso ang transaksyon kung marahas kang magsalita. Maging mahinahon upang gumanda ang takbo ng negosyo. Sa pag-ibig, sa sandaling bulyawan mo na naman ang kasuyo, grabeng tampuhan ang magaganap.  Mapalad ang 8, 18, 27, 31, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “ Nakiel, Kedemel, Hagiel.” Purple at violet ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) –             Wag guluhin ang isipan sa mga bagay na hindi pa naman dumarating. Sa pinansiyal, kung ano ang hawak, paghustuhin at matutong mag-savings. Sa pag-ibig, hindi dapat paghinalaan ng hindi maganda ang kasuyo, masisira lang ang inyong relasyon. Mapalad ang 6, 18, 26, 29, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Credo-Ut-Intelligam.” Pink at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Wag matakot mawalay sa pamilya, kailangan mo itong gawin upang umunlad ka agad. Sa pag-aabroad may magandang kapalarang malalasap. Sa pag-ibig, mas masarap na relasyon ang magaganap sa ibayong dagat. Mapalad ang 5, 14, 22, 36 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Taph-Harth-Harath.” Green at maroon ang buenas

Cancer – (June 22- July 22) –           Sa pinansiyal, bago gumawa ng pasya, magsimba muna! Sa pag-ibig, imbis na ikaw angmagdesisyon, ipaubaya sa kasuyo kung ano ang dapat gawin. Mapalad ang 4, 12, 21, 27, 29, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Om-Pad-Hani-Om”.  Gray at purple ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) –          Sa pinansiyal, ipayapa ang isip, sa ganyang paraan, kusang dadami ang salapi. Sa pag-ibig, mainit na romansa ang magpapalakas ng immune system. Mapalad ang 6, 17, 23, 26, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Halka-Tetra.”  Blue at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) –              Sa pinansiyal, samantalahin ang magandang kita sa negosyo, magdagdag pa ng puhunan. Sa pag-ibig, regaluhan ng bagong cell phone ang minamahal upang lalong mapalapit ang loob nya sayo. Mapalad ang 7, 16, 25, 32, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Graha-Dosya-Jawala.”  Green at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) –         Kapag alam mo ng palugi ang kasalukuyang investment tumigil ka na bago malubog sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, kung alam mo namang pagluha ang magiging wakas,  wag ng ituloy ang relasyon. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad_Me-Om”. Pink at white ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) –              Kahit anong problema ang dumating, isang kaibigang Taurus ang tutulong sayo! Sa pinansiyal, isang Taurus din ang mauutangan! Sa pag-ibig, bagamat okey ang isang Taurus,  higit kang kikiligin sa isang Libra. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Green at red ang buenas

Sagittarius – (November 22 – December 21) –           Sa bagong love interest mas magiging makulay ang buhay. Sa pinansiyal, bagong kalakal na may kaugnayan sa pagkain, mas malaking kita ang maibubulsa.  Mapalad ang 4, 18, 22, 31, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Dum vita est espes est.” Violet at beige ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Mahirap talagang mawalay sa pamilya, subalit kailangang kayanin upang kumita ng malaking halaga. Matutuloy na ang binababal na pag-aabroad. Sa ibayong dagat, laging magdasal at magpasalamat sa Diyos, upang malayo ka sa disgrasya. Mapalad ang 4, 9 19, 27, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Mandala-Ketu-Ayin”. Purple at magenta ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Wag magkulong sa bahay! Sa pakikihalubilo sa lipunan, may malaking oportyunindad na mapagkakakitaan. Sa pag-ibig, sa labas ng bahay mas masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 6, 18, 25, 34, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vid-Hunam-Hunam-Om.”  Yellow at black ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

         Pisces – (February 19 – March 20) –  Ituring na ito na ang huling araw! Palaguin ng palaguin ang kabuhayan, upang mapamanahan mo ng magandang kinabukasan ang mga mahal sa buhay. Sa pag-ibig, bigyan ng mainit na yakap ang kasuyo – bukas wala ka na, wala naring yayakap sa kanya.  Mapalad ang 5, 7, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Om-Om-Gayatri.” Blue at red ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending