Horoscope, June 1, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Tuloy-tuloy na gaganda ang kapalaran, basta’t lagi ka lang mag-madali. Sa pag-ibig at pinansyal, magiging masaya ang relasyon habang patuloy ang pagdating ng maraming salapi. Mapalad ang 4, 19, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Bodhana-Om.” Bukod sa dilaw ang blue ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Ngayong unang araw ng Hunyo dalawang bagay ang dapat pahalagahan: Mag-ipon ng maraming pera at pangalawa, paligahayin ng husto ang bawat miyembro ng pamilya. Sa dalawang layuning ito magkakaroon ka ng meaningful at successful life. Mapalad ang 3, 12, 21, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Red at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Pagbigyan ang pakiusap ng mga kliyente upang bumilis ang pasok ng pera. Sa pag-ibig panahon na rin upang pagbigyan ang malaon ng hinihingi ng kasuyo – romansa espesyal at pamamasyal sa beach. Mapalad ang 6, 9, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Maroon at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Habang sinisipag, tapusing mabilis ang mga gawain na may kaugnayan sa pagpapalago ng kabuhayan. Sa pag-ibig, habang mainit ang kasuyo, samantalahin, bago tuluyang humupa ang kanyang libido. Mapalad ang 3, 14, 23, 27, 33, at 40, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suka-Deva-Om.” Violet at purple ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Matigas na desisyon ang dapat upang hindi malagay sa alanganin. Sa pag-ibig laging sundin ang tinitibok ng puso. Sa pinansyal, isang Capricorn ang maaaring lapitan sa mga panahong kinakapos ng pera. Mapalad ang 5, 14, 23, 29, 32, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Green at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Ang pag-sikat ang tadhana ng mga Leo. Sa pakikisalamuha sa lipunan, makakatagpo ka ng recognition at dagdag na kita. Sa pag-ibig, habang nakikipag-sosyalan, matatagpuan mo na rin wa wakas ang true love. Mapalad ang 8, 19, 22, 29, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Regama-Mayabeeja-Om”. Maroon at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Hindi mo ba napapansin, na naging maganda naman ang pasok sa iyo ng taong 2017? Hindi na dapat maghangad pa, makuntento sa kasalukuyang buhay. Habang kuntento at payapa ang isipan mas marami blessings ang kusang darating. Mapalad ang 5, 14, 19, 26 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya-Om.” Green at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Iwasan ang sobrang takaw. Panatiliin ang pagiging sexy at pagiging slim ng katawan upang mas lalo pang gumanda ang kapalaran sa pa-ibig at sa aspetong pang materyal. Mentras sexy ang isang Libra lalo siyang susuwertehin. Mapalad ang 5, 15, 20, 29, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vigraha-Vendatha-Om.” Blue at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Bagong opportunity sa pagkakakitaan ang mabubuksan – sunggaban agad wag kang babagal-bagal. Sa pag-ibig higit na mas masarap ang bagong relasyong dulot ng isang malibog na Libra. Mapalad ang 8, 19, 27, 38, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Nameh-Dosya-O.” Red at violet ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Bago isagawa ang anomang bagay na may kaugnayan sa negosyo mag-isip kang mabuti upang wag na uling malugi. Sa pag-ibig, bago ipagkaloob ang tiwala sa minamahal, siguraduhin mo munang wagas ang pag-ibig ng inaalay ng iyong kasuyo upang hindi ka na uli lumuha at mabigo. Mapalad ang 3, 18, 28, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Kirsina-Om”. Lilac at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pinansyal dagdag pang pagsisikap ang dapat upang lalo pang lumago ang kabuhayan. Sa pag-ibig ang kabiguan ngayon ay hahantong sa mas msarap na romansa sa araw ng bukas. Mapalad ang 5, 13, 24, 34, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Diayanas-Om.” Brown at violet ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Magiging ma-drama ang buhay. Maiisip mong tila nauulit lang ang dating lungkot at kabiguan. Pumirmi ka kasi ng tama at saktong mamahalin – isa alang-alang ang isang Libra. Sa pinansyal, ano nga ba ang halaga ng salapi kung wala naman permanenteng kaligayahan? Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Green at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Habang nagiging makasarili may kalungkutang darapo, ganyan talaga ang daan upang yumaman. Sa pag-ibig mahalin ang kaisa-isang nilalang na nagpapahalaga sa iyo – siya ay isang Cancer. Mapalad ang 1, 15, 23, 25, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Avenda-Om.” Yellow at white ang buenas.

Read more...