MAGANDANG araw po, Aksyon Line. Nagtatrabaho po ako sa isang call center nang mahigit isang taon. Nag-decide po ang kumpanya namin na magsara ngayong araw. Pero bigla ay sinabi sa amin na kapag nag-extend daw po sila ng isa pang buwan (o hanggang June 30) hindi na raw kami mabibigyan ng separation fee.
Tama po ba ang sinabi sa amin na mabibigyan lang kami ng separation fee kapag nagsara sila ng May 31, pero kapag na-extend sila ng isang buwan ay wala kaming makukuha?
Maraming Salamat.
REPLY: Good day!
Wala pong kinalaman ang extension ng one month sa pagbabayad ng inyong employer ng separation pay. Ang malinaw na sinisigurado ko po ay MAKATATANGGAP KAYO NG SEPARATION PAY MAY EXTENSION MAN O WALA.
Subalit kung kayo po ay magre-resign o tatangalin dahil may nagawang violation sa company policy, kayo po ay walang matatanggap na separation pay. Ang tanging makukuha ninyo ay ang inyong huling sahod, pro-rated 13th month pay at mga leave na hindi nagamit.
JOT
Labor Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.