Kim Chiu pumunta ng Nepal para magpakasal

KIM CHIU

KASALUKUYANG nasa Nepal si Kim Chiu para sa shooting ng horror movie na “The Ghost Bride” ng Star Cinema directed by Chito Roño.

Base sa mga litratong ipinost ni Kim sa kanyang Instagram ay last week pa sila umalis at wala namang binanggit kung sino ang kasama niyang artista.

Sa kuwento, ikakasal si Kim base sa Chinese tradition at sa Nepal ito kukunan. Kung hindi nagbago ng cast base sa storycon na nangyari noong Pebrero ay kasama rin sa movie sina Matteo Guidicelli, JC Santos, Victor Silayan, Jerome Ponce, Rio Locsin, Mon Confiado, Beverly Salviejo at Alice Dixson.

Hanggang next week pa sina Kim sa Nepal at isinabay na rin nito ang konting pamamasyal dahil pagbalik niya ng Pilipinas ay ratsada na ulit siya sa taping ng Ikaw Lang Ang Iibigin nila ni Gerald Anderson.

Nakabangko naman ng ilang episodes ang Ikaw Lang Ang Iibigin kaya puwedeng mag-shoot si Kim ng pelikula at si Gerald naman ay abala sa promo ng bago niyang pelikula, ang “Can We Still Be Friends” kasama si Arci Muñoz na ipalalabas na sa Hunyo 14 mula sa direksyon ni Prime Cruz produced pa rin ng Star Cinema.

Going back to Kim, ang aktres ang dahilan kaya positibo lahat ang mga sagot ni Gerald nu’ng pag-usapan sa presscon ng “Can We Still Be Friends” na puwedeng maging kaibigan ang ex dahil sila ang perfect example.

Read more...