Target maging CPA | Bandera

Target maging CPA

Joseph Greenfield - May 30, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Ryan  ng San Antonio, Lubao, Pampanga
Dear Sir Greenfield,
Nitong nakaraang May 2016 ay kumuha po ako ng CPA board exam kaya lang sa kasawiang palad hindi po ako napabilang sa mga nakapasa. Sa susunod na taong sa 2017 ay balak ko sanang kumuha uli, target ko po kasing maging CPA para maibigay na sa akin yong promotion sa office namin na matagal ko nang tinatarget. Itatanong ko lang po sana kung sa take-two na pagkuha ko ng board exam makakapasa na kaya ako? At sana mabigyan nyo rin ako ng pampasuwerte para makapasa ako sa nasabing exam, upang maging CPA na ako sa susunod na taon? May 14, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Ryan ng Pampanga

Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansing may malinaw namang Sun Line (Illustration 1-1 arrow 1.), sa iyong palad. At ang Sun Line (arrow 1.) na ito ay nagpapatunay na sa isang yugto ng iyong buhay, bigla kang sisikat at kikilalanin sa larangang iyong kinabibilangan at ang pagsikat na ito ay maaari ngang ang sa sandaling kumuha ka uli ng CPA board exam malaki ang tsansa na makakapasa ka na.
Cartomancy:
King of Diamonds, Ten of Hearts at Ace of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taong 2018, susuwertehin ka, lalo na sa buwan ng Enero, Oktubre at Disyembre, sa panahong nabanggit maraming positibo at magagandang kapalaran ang kusang itatala sa iyong karanasan.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending