Angel nag-trending sa buong mundo; pinuri sa MMK

NAG-TRENDING worldwide ang pinagbidahang episode ni Angel Locsin last Saturday sa Maalaala Mo Kaya kung saan gumanap siyang isang Muslim na nakulong dahil sa kasong kidnap-for-ransom.

Ang official hashtag ng programa na f#MMKRobbedMotherhoodV2 ay naging top trending topic sa Twitter both in the Philippines and worldwide.

Ito ‘yung part 2 ng mother’s day offering ng MMK kung saan inilahad ang kuwento ng karakter ni Angel (Samina) na itinurong siyang kumidnap sa anak ng karakter na ginampanan ni Dimples Romana. Puro papuri ang natanggap ni Angel mula sa netizens dahil sa ipinakita niyang akting sa MMK.

Ayon sa isang nakapanood ng nasabing episode, “Grabe! Superb acting! Sana laging bigyan ng ganyang project si Angel!”

Sey naman ng isa pa, With the acting prowess of @143redangel and the storyline of MKK, I feel like I am watching a MMFF entry tonight.”

Read more...