MRT nagkaaberya muli

MRT

Nasira na naman ang Metro Rail Transit Line 3 kaninang umaga. Ayon sa service status na ipinalabas ng Department of Transportation-MRT3, nagkaroon ng technical problem ang north bound train alas-6:41 ng umaga. Kinailangang pababain ang mga sakay nito sa Cubao Station. Noong Linggo ay nagkaroon din ng technical problem ang tren at ibinaba ang mga pasahero sa Santolan station north bound alas-10:06 ng gabi. Noong Biyernes ay dalawang beses nasira ang tren. Una alas-8:30 ng umaga sa Ortigas station south bound. Pinababa naman ang mga pasahero sa north bound train ng GMA-Kamuning station alas-10:13 ng umaga.

Read more...