ISA kami sa mga sumasang-ayon sa naging social media post ni kapamilyang Ogie Diaz hinggil sa naging reaksyon nina Leah Navarro, Jim Paredes at Cynthia Patag tungkol sa pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao.
Kilalang mahilig magpatawa si Ogie pero kilala rin itong mahilig makisangkot sa mga isyu ng bayan.
Hindi man sumagot ang mga pinatungkulan ng kanyang post, marami namang mas aktibong artista ang nagpayahag ng kanilang pagsang-ayon kay Ogie.
Hindi rin inalintana ng host cum manager ang magiging reaksyon ng mga tinawag niyang “dilawan” sa linya ng kanyang trabaho, kasama na ang pagma-manage sa numero uno niyang talent na si Liza Soberano.
Sa showbiz talaga ngayon, makikita ang pagkakaroon ng magkakaibang pananaw sa pulitika.
q q q
Speaking of Liza Soberano, na-enjoy nga daw ng husto ng dalaga ang ginawa nitong training sa Aces & Queens kung saan nanggaling si Pia Wurtzbach.
Naging bahagi kasi ng exposure o immersion ni Liza ang pag-aralan ang kilos at galaw ng dating Miss Universe para sa life story ni Pia sa Maalaala Mo Kaya.
Though hindi raw umabot sa pagiging Miss Universe ni Pia ang mga eksenang mapapanoos sa MMK, ginawa pa ring parte ng immersion ni Liza ang bahaging ‘yun ng buhay ng beauty queen. Hindi kaya pagkatapos ng immersion ng dalaga sa Aces & Queens ay bigla niyang maisipan na mag-join na sa Binibining Pilipinas?
Sigurado rin kaming mara-ming matututunan ang dalaga sa kanyang training na maaari niyang gamitin sa pagganap na Darna na “very millennial” umano ang gagawing characterization.