Makapag-aabroad ba? (2) | Bandera

Makapag-aabroad ba? (2)

Joseph Greenfield |May 29,2017
facebook
share this

Makapag-aabroad ba? (2)

Joseph Greenfield - May 29, 2017 - 12:20 AM

 

Sulat mula kay Cristina ng Savana, Bucana, Davao City
Dear Sir Greenfield,
1. Matagal na po akong nagpa-plano na mag-abroad pero hindi po ako matuloy-tuloy, laging may hadlang sa plano ko. Kaya sa ngayon naisipan kong kumunsulta sa inyo upang itanong kung sa kasalukuyan ay matutuloy na kaya ako. Ang aplay ko po ay D.H. sa Dubai at may tumutulong naman sa akin.
2. Sa palagay nyo matutuloy na kaya ako at kung matutuloy kailan kaya at kung matutuloy ako na makaalis papala-rin kaya ako sa abroad at magkakaroon ng mabait na amo? August 14, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Cristina ng
Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) ang nagsasabing kung ang babaing tumutulong sa iyo upang makapag-abroad ay isinilang sa zodiac sign na Aries o kaya’y Sagittarius tiyak ang magaganap, tulad ng nasabi na sa Cartomancy at Palmistry, sa taon ding ito ng 2017 sa buwan na may isang mabunga at mabiyayang pangi-ngibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing sa sandaling nasimulang makapag-abroad ka ng isang beses o ng unang beses, tuloy-tuloy na ang magaganap – lagi-lagi at paulit-ulit ka ng makapag-aabroad hanggang sa umunlad na ang aspetong pang kabuhayan ng in-yong pamilya.
Graphology:
Ang pag-aanalisang magiging maayos ang kalagayan mo sa abroad ay madali namang pinatunayan at kinumpirma ng maganda mong lagda – hindi nababoy at hindi naburara! Ito ay nagpa-patunay habang nagkaka-edad ka, lalo pang gaganda ng gaganda ang iyong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Cristina ayon sa iyong kapalaran basta’t magtiyaga-tiyaga ka lang mag-aplay sa kasalukuyan at laging magkaroon ng positibong kaisipan, tiyak ang magaganap tulad ng paulit-ulit na nasabi na, sa taon ding ito ng 2017 sa buwan ng Agosto o kaya’y Setyembre sa edad mong 28 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong karanasan na magiging dahilan at siya na ring magiging si-mula upang ang buhay nyo at ang buhay ng in-yong pamilya ay tuloy-tuloy ng uunlad sa aspetong pananalapi at materyal na bagay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending