KINUMPIRMA ng Palasyo na posibleng magtalaga ng Maranao spokesperson sa harap ng krisis sa Marawi City.
Sa isang pahayag, nilinaw naman ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na si Communications Secretary Martin Andanar ang direktang magiging boss ng bagong Maranao spokesperson at hindi siya.
“The Maranao spokesperon is not under the OPS (Office of Presidential Spokesperson). There is nothing final yet; there are still discussions among offices,” sabi ni Abella.
Iginiit ni Abella na ideya ni Andanar na magtalaga ng Maranao spokesperson.
“The recommemdations to have a Maranao spokesperson stemmed from PCO’s desire to have a point man in Iligan. No person designated yet,” ayon pa kay Abella.
Nauna nang inalis kay Andanar ang kapangyarihang maglabas ng opisyal na pahayag na Palasyo at ibigay kay Abella ang otoridad na magsalita para kay Pangulong Duterte.
Ito’y matapos na masangkot si Andanar sa word war sa media matapos ang mga kontrobersiyal na mga pahayag laban sa mga mamamahayag.
MOST READ
LATEST STORIES