Kelangang ilipat ang Islamic Center sa Quiapo

HINABLOT ng isang snatcher na nakahubad ang isang cellphone ng pasahero sa loob ng taxi sa Quezon City.

Katatapos lang makipag-usap sa kanyang anak ni Socorro Zaldivar, isang corporate trainer, na sakay ng taxi nang isang lalaki na walang suot na pang-itaas na damit ang bumukas sa pintuan ng sasakyan at hinablot ang kanyang I-phone ng 9:30 ng gabi.

Malamang ay drug addict ang snatcher dahil masyado itong matapang at di nahihiya na maglakad sa kalye na nakahubad.

Ito ang mga klase ng tao na tinotokhang at dapat kumonti sa bansa.

Marami-rami na rin ang mga napatay na ganitong klaseng tao sa extra-judicial killings (EJK) pero hindi sila maubos-ubos.

 ***

Mahirap ubusin ang milyon-milyong addicts na naglipana sa mga kalye sa buong bansa.

Ang estimate ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na iniulat ni Pangulong Digong, ay apat na milyon ang mga adik sa bansa.

Ang mga adik na ito ay hindi nangingimi na magnakaw at pumatay kapag nanlaban ang kanilang biktima o manggahasa.

Gumagawa sila ng krimen at karahasan upang suportahan ang kanilang bisyo sa droga.

Kapag kumonti ang bilang ng mga taong lulong na sa droga, tatahimik ang Pilipinas.

Pero dapat ang pagtuunan ni Digong na lipulin ay yung mga malalaking isda o mga drug lords at pulitiko na nagbibigay proteksiyon sa mga sindikato ng droga.

Dapat ay bunutin ang ugat na pinagmumulan ng droga at iyan ay mga sindikato at mga taong namumuno sa mga ito at nagbibigay sa kanila ng proteksiyon.

 ***

In fairness, mula nang maupo si Digong at pinakilos niya ang kanyang mga attack dogs, ‘ika nga, laban sa droga, bumaba ng malaki ang krimen sa kalsada.

Pero hindi pa ito sapat upang maging ligtas ang bansa sa mga kriminal at drug lords.

Kelangang marami pang isasalvage.

***

Sinibak ni Digong sa tungkulin ang chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB) na si Benjamin Reyes sa pagsalu-ngat sa sinabi ng Pangulo na apat na milyon ang drug addicts sa bansa.

Sinabi ni Reyes na 1.8 million lang ang mga gumagamit ng pinagbaba-wal na gamot.

“You’re fired! You do not contradict your own government,” sabi ni Digong kay Reyes.

 ***

Maraming miyembro ng Gabinete na sinasalu-ngat ang Pangulo sa kanyang mga pronouncements.

Hindi ko na babanggitin ang kanilang mga pangalan dahil alam naman ito ng karamihan na nagbabasa ng diaryo o nanunood ng balita sa TV.

Dapat isunod na ni Digong ang mga pasaway na Cabinet members.

 ***

Isang babala sa gobiyerno:

Dapat tanggalin ang Islamic Center sa Quiapo, Manila na pinupugaran ng mga kriminal at drug dealers na mga kapatid nating Muslim.

Dahil sa kaguluhan  sa Mindanao, lalo na sa Marawi, baka maisipan ng ilang mga residente ng Islamic Center na bombahin ng mortar ang Malakanyang na malapit na malapit sa dulo ng tinitirhan ng napakaraming Muslim.

Nagdagsaan ang mga Muslim sa lugar sa paligid ng Golden Mosque na itinayo noong panahon ng Pangulong Marcos.

Balak ni Marcos na itaboy ang mga residente ng Islamic Center at ilipat sa ibang lugar ngunit di niya ito nagawa.

Natatakot kasi si Marcos at ang kanyang maybahay na si Imelda na baka umalma si Libyan strongman Muammar Khadaffy.

Ibinoluntir naman kasi ng mag-asawang Marcos ang lugar na kinatatayuan ng Golden Mosque na ipinatayo ni Khadaffy.
Dahil sa mosque ay nagsipagtayo ang mga Muslim ng kanilang mga bahay-bahay sa paligid nito.

Kailangang kumilos na ngayon ang gobiyerno bago magkaroon ng sakuna gaya ng pagbobomba sa pamamagitan ng mortar sa Malakanyang.

Aanhin pa ang counter-attack ng Presidential Security Group sa Islamic Center kapag nabomba na ang Malakanyang ng mortar rounds at nagtamo ng maraming casualties?

Read more...