Ilang eksena sa movie ni Sarah ibinasura dahil sa pasaway na netizens

SARAH GERONIMO

SARAH GERONIMO

MAY nabasa kami sa social media na hindi na ginamit ang ilang mga eksenang nakunan sa movie ni Sarah Geronimo.

Ang chika kasi, lumabas na sa social media ang shots sa movie kaya wala nang maitatago. Ang dami raw eksenang nakunan na napunta lang sa wala dahil tsinugi na ang mga ito.

Bakit kasi may mga nagpo-post ng spoiler? Bakit hindi sila makapaghintay na ipalabas ang movie?

Ayan, nasayang tuloy ang effort ng production dahil sa ilang netizens na gusto yatang maka-scoop.

Sa isang popular website ay may isang photo na lumabas kung saan nagtutulak si Sarah ng wedding car dahil nasiraan yata.

Sari-saring komento ang nakuha mula sa eksenang iyon.

“Hindi totoo ‘yung hanash na back to zero ang #FinallyFoundSomeone. OA lang ‘yung fan na nag tweet na ‘yun.”

“Kawawa naman si Sarah at nahirapan pa dyan tapos idi delete lang nila ito.”

“Dapat sa abroad na lang nag shooting. Pasaway mga Pinoy!”

“Sana naman wag ng ipost yung mismong eksena.”

Read more...