Ogie Diaz sa pagganap ni Liza ng Darna: Ayoko pong maging epal!

liza soberano

MULING nagsalita ang manager ni Liza Soberano na si kaibigang Ogie Diaz tungkol sa pagkakapili na raw kay Liza Soberano bilang kapalit ni Angel Locsin sa pelikulang “Darna”.

“Sa totoo lang, isa lang ang sinasabi ko, hintayin nating mag-announce ang Star Cinema, ayaw ko pong umepal. Ayaw ko sa akin manggaling kung ano ang desisyon nila, kung si Liza ba o ibang aktres ang gaganap na Darna,” ayon kay Ogie sa isang panayam sa radyo.

Dagdag niya, “Tinanong ko nga ang Star Cinema, ‘Bakit di pa n’yo in-announce.’ Ang sabi nila, ‘Mag-a-announce kami.’ Hintayin n’yo lang.'”

Pahabol pa ng talent manager-comedian, “Gustong-gusto ni Liza maging Darna. Totoo yan, totoo yan. Siyempre sino ba naman ang ayaw maging Darna. Kahit nga ‘Captain Barbell’ siguro mae-excite si Liza.

“Pero siyempre, isa lang ang tinuturo diyan kung si Liza nga ba ang gaganap na Darna, kung sakaling si Liza ang kukuning Darna siyempre ang kailangan na lang ay si Ding,” aniya pa.

Read more...