Encantadia ng GMA wagi sa 2017 Apollo Awards sa Singapore

encantadia sanggres

NAKAPAG-IWAWN na naman ng marka ang Encantadia sa mga manonood dahil maging ang international audience ay napabilib nito.

Nanalo ang Kapuso telefantasya bilang Best Visual Effects (Long Form Category) sa Apollo Awards 2017.

Ginanap ito sa Singapore na siyang dinaluhan ng ilan sa mga bumubuo ng Encantadia. Sa social media post ng program manager na si Helen Rose Sese, nagpasalamat at nagbigay-pugay ito sa lahat ng cast at production team ng Encantadia. Kalidad naman kasi talaga ang visual effects na pino-produce ng GMA Network, at mas nakakabilib dahil nagagawa nila ito for a daily series.

Nagsilbi itong regalo sa buong Encantadia team dahil bukod sa successful ang finale nito, nanalo pa ang programa ng international award!

Read more...