Diego biglang sinuwerte sa career, may bonus pa

DIEGO LOYZAGA AT SOFIA ANDRES

DIEGO LOYZAGA AT SOFIA ANDRES

HANGGA’T maaari ay ayaw nang mag-entertain ng kanegahan ang Kapamilya actor na si Diego Loyzaga. Maayos at tahimik na raw ang personal niyang buhay ngayon.

Mas nadagdagan pa ang kasiyahan ng anak ni Cesar Montano dahil nagdesisyon na ang kanyang inang si Teresa Loyzaga na dito na uli manirahan sa Pilipinas.

“Nandito po kasi ako, nandito utol ko. Tapos ang nanay ko nasa Australia. Parang nahihirapan naman kami na pabalik-balik po siya. Siya rin nahihirapan e. Ngayon po nabigyan na siya ng offer na mag trabaho rito,” ani Diego sa panayam ng ABS-CBN.

Aniya pa, nagpapasalamat siya sa lahat ng taong mga nagdasal para magkaroon ng katahimikan ang kanyang personal na buhay. At may bonus pa raw itong good news matapos matanggap ang magagandang mensahe para sa kanilang serye ni Sofia Andres na Pusong Ligaw.

Isa na raw ito sa pinakabonggang birthday gift na natanggap niya this year. He just turned 22 last May 21.

“Yung kuwento talaga, yung story. I think I can speak on that because lahat kami pati sina Beauty (Gonzales) and sila Bianca (King) were really into the project,” ani Diego.

Sey naman ni Sofia, excited na siya sa mga susunod na mangyayari sa buhay ng karakter niyang si Vida.

“Sobrang saya po sa pakiramdam na maraming nanonood ng Pusong Ligaw. Hindi po namin inakala na magiging maganda ang feedback ng viewers kaya nagpapasalamat po kami talaga.”

Ayon kay Sofia, napakarami pang kailangang abangan sa tandem nila ni Diego, “Yung mga bangayan namin! ‘Yun talaga ang dapat abangan.”

Singit naman ni Diego, “Sobrang dami pang magaganap. Yung mga awayan namin ni Sofia! Alam niyo naman si Vida talaga nakakuha ng pera ni Potpot! Kaya mas exciting ang next episodes!” Diego.
Napapanood ang Pusong Ligaw after ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

Read more...