Alden, Maine may bonggang wedding sa ‘DTBY’ finale

maine mendoza at alden richards

PINASILIP ng ilang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza ang magaganap sa finale episode ng Destined To Be Yours. Ito na nga ang pinakahihintay na kasalan nina Benjie (Alden) at Sinag (Maine)!

Ayaw naming maging spoiler sa bridal car na gagamitin ni Meng. Basta ang AlDub Nation, hindi na makapaghintay ng Friday kaya ibinalandra na nila ‘yon sa Twitter hashtag na #ALDUBxDTBYInYourSleep.

Kahapon, present ang dalawa sa Eat Bulaga. Na-miss daw ng ADN ang kanilang mga bibis, huh!

Sa mga nakaraang episodes ng DTBY, sumabay si Meng sa pag-iyak kay Alden sa isang eksena. Ibinuhos niya nang todo ang emosyon niya bilang tugon sa pagmamahal kay Benjie.

Ayon sa mga netizen, malaki na ang improvement ng acting ni Meng kaya puwedeng-pwede pa siyang maging Drama Princess.

Read more...