Totoo ba, Liza hindi na pwedeng umalis ng Pinas dahil sa Darna?

liza soberano
HINDI na ba makakasama si Enrique Gil sa sa teleseryeng gagawin ni Liza Soberano?

Kaya namin ito naitanong ay dahil may taping daw ng teleserye si Liza kaya hindi siya makakasama sa TFC show ng Star Magic artists sa Canada sa darating na November.

Base rin ito sa sagot ng manager ni Liza na si Ogie Diaz nu’ng tanungin namin kung bakit hindi makakasama ang alaga niya sa nasabing show.

Maraming fans ang dalaga ang nagtatanong sa amin kung bakit hindi ka-join ang aktres sa show ng TFC sa Canada, si Enrique lang daw ang ka-join.

Narito ang takbo ng usapan namin ni Ogie nu’ng magtanong kami.

“Kelan? This November? Ang alam ko kasi teleserye taping ‘yan, eh. Baka kasi mabitin at mag-hand to mouth ang taping kaya hindi muna siya sinama. Pero next year (2018) Holy Week, kasama na siya,” paliwanag ni Ogie.

Balik-tanong namin, “Si Enrique raw kasi kasama, kaya nagtataka sila (fans) bakit si Liza hindi isinama.’

Tugon sa amin ng talent manager-comedian, “Puwede naman silang (Liza at Quen) hiwalay, solo-solo sila. Saka dami naming pending na endorsement shoots din.”

Hirit namin, “Sino ba ang final na Darna?”

“Di ko pa alam, alamin mo nga,” sagot sa amin ng manager ni Liza.

Ikaw bossing Ervin, anong opinyon mo bakit si Liza hindi puwedeng mawala sa taping, samantalang si Enrique, puwede? Ibig bang sabihin nito, hindi na sila magkasama sa gagawing project ng aktres?

Hmmmm, hindi nga kaya ang “Darna” movie na ang gagawin ni Liza kaya hindi siya pwedeng basta umalis ng Pilipinas?

Read more...