“But once it gets out of hand, out of control, and here comes a foreign ideology that is being imposed on the people, I will not allow it. I will not allow the country to go to the dogs. As I said, the military has the primary role now of keeping the law and order situation and in all parts of the Republic of the Philippines,” sabi ni Duterte sa isang press conference matapos mapaaga ang uwi mula sa Russia dahil sa pagpasok ng Maute group sa Marawi City.
Nauna nang idineklara ni Duterte ang martial law sa Mindanao.
“I may decide to expand the area to include the Visayas because it is just a walking distance actually. And because of the many islands, they can always escape there and begin another terroristic activity,” sabi ni Duterte sa isang press conference matapos na mapaaga ang pag-uwi mula sa kanyang biyahe sa Russia.
Idinagdag ni Duterte na posible rin na ipag-utos niya ang suspensyon ng writ of habeas corpus sa Visayas.
“I have ordered the military, specially the Navy to embargo the islands, specially the sea that separates Mindanao from the Visayas,” dagdag ni Duterte.
Idinagdag niya na sa ilalim ng ipinapatupad na martial law, magsasagawa ng mga checkpoint at magsasagawa ng mga pag-aresto ng walang warrant of arrest.
“I said I will not declare curfew but maybe in certain areas. Lanao del Sur, Lanao del Norte, Maguindanao, Sultan Kudarat, North Cotabato, and maybe in Zamboanga to protect the civilians altogether,” ayon pa kay Duterte.