Karagdagang lakas ang hatid ni PBA player JR Quiñahan sa Philippine team na lalaban sa 2017 Fiba 3×3 World Cup kung saan makakasama niya ang mas batang mga kakampi.
Makakatuwang nina Kobe Paras, Jeron Teng at Kiefer Ravena ang 33-anyos na si Quiñahan sa bakabakan mula Hunyo 17 hanggang 21 sa Nantes, France.
Martes nang payagan ng kanyang koponang NLEX si Quiñahan Martes na lumahok sa nasabing torneyo.
Inaasahang gagamitin ng 10-year veteran ang kanyang karanasan lalo na sa pagdepensa sa loob bukod pa sa matinik na outside shooting.
Makakaharap ng Pilipinas ang Slovenia, Romania, El Salvador at ang host na France sa Group B sa 3×3 World Cup.