KUMPIRMADONG si Liza Soberano ang gaganap bilang young Pia Wurtzbach sa life story ng beauty queen sa Maaalala Mo Kaya hosted by Charo Santos.
Ngayon pa lang ay excited na ang mga fans ni Liza na mapanood ang dalaga sa isang espesyal na episode ng MMK. Ayon sa manager ni Liza na si Ogie Diaz, gaganap ang dalaga na batang Pia.
“She’s taping for MMK as the young Pia Wurtzbach. Bumangka sila sa story talaga noong wala pa siya sa pageant-pageant, so story ng family,” kuwento ni Ogie.
Kahapon, nag-post din ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa kanyang Instagram account at dito nga niya ibinalita na makakasama rin siya ni Liza sa nasabing MMK episode.
“My first time to act with this pretty lady! I must admit, it was hard focusing on my lines while looking at her beautiful face. Who knew such beauty could be distracting?
“But she’s such an amazing actor and pretty soon, I felt like I was talking to my very own daughter. Please watch out for MMK soon featuring the life story of Pia Wurtzbach,” ayon pa kay Zsa Zsa.
Samantala, ayaw pang magsalita ng manager ni Liza kung totoo ngang ang ka-loveteam na ni Enrique Gil ang papalit kay Angel Locsin sa bagong movie version ng “Darna”.
Ani Ogie, “Kino-consider si Liza, yes. But ‘yung confirmation will come from Star Cinema.”