VERY memorable ang first guesting namin sa radio program na “Inside Showbiz” hosted by veteran and well-respected entertainment writer/host na si Aster Amoyo with Shalala sa DZRJ last Sunday.
It was really a big pleasure for us na maimbitahan ni Tita Aster on her show together with our colleagues Glenn Sibonga and Glenn Regondola.
Naging super special pa ang pagpunta namin sa programa when Tita Aster told us na makakausap namin on the air ang nag-iisang Star For All Seasons at Lipa Rep. Vilma Santos-Recto.
Sa rami ng tanong namin, walang inatrasan si Cong. Vi at kapag sumagot, milya ang haba, huh! May nag-comment nga sa Facebook ng 8Trimedia habang pinapanood kami, “Iba talaga magsalita si Ate Vi.”
Unahin na naming ibalita ang tungkol sa panganay na anak ni Cong. Vi at host na si Luis Manzano na ipinost ang picture when we went to a hospital para ipatsek-up ang namaga niyang paa. Doon daw nag-dinner sa bahay ni Cong. Vi sa Ayala Alabang si Luis that day na kausap namin siya.
“E, nagti-taping siya noon, hindi niya nakita ‘yung pantay na daan. Ganoon lang kabilis. And then, ‘yung tapilok niya was really bad. Talagang akala lang namin nu’ng una sprain. Pero nu’ng right after ng taping, umuwi lang siya, nagtsinelas, diretso na siya sa St. Luke’s. At nu’ng tawagan niya ako, sinabi nga niya, ‘Ma, it’s even worst.’ Kasi may fracture talaga. Kailangan isemento,” ani Cong. Vi.
Sa ngayon, keri na raw ang semento na lang para i-heal ang nabaling buto sa paa ni Luis. No need for ay surgical procedure kaya lang kailangan magpahinga siya for three weeks.
“Sabi ng doctor baka in three weeks ipapagod niya nang ipapagod at hindi mag-heal, pwedeng i-surgery para maayos ‘yung bone na medyo nabali. Nagkaroon ng fracture, but huwag naman. I believe kaya naman nito ngayon, pahinga lang siya ng konti,” say pa niya.
Mabuti na lang daw at tapos na ang everyday show at pang-weekend na show ni Luis sa ABS-CBN kaya may time for him to rest. Although, may dalawang shows pa si Luis sa Channel 2, pero feeling niya tataba raw si Luis kapag natigil sa pag-e-exercise.
Hindi naman daw maaapaketuhan kung makikipag-date si Luis sa girlfriend niyang si Jessy Mendiola. Anytime ay pwede pa ring dalawin ni Jessy ang kanyang boyfriend.
Para kay Cong. Vi, napakanatural daw na bata ni Jessy, “She’s what? She’s only 24. Ang nagugustuhan ko lang sa kanya, what you see is what you get. Hindi siya ‘yung magpi-pretend sa ‘yo na she’s…napaka-prim and proper. Na parang laging maayos magsalita.
“Kung ano ‘yung nakikita mo sa kanya, ‘yun siya. And I guess, the most important thing, hindi naman ako at the end of the day ang magdedesisyon. Nakikita ko masaya ang anak ko. Kapag nakikita ko na masaya ang anak ko, e, ‘di hamak na doble ang saya ko,” lahad ni Cong. Vi.
q q q
Napansin din niya kay Jessy kapag kasama raw niya si Luis, hindi raw ito nakikipag-compete sa anak niya, “That’s one thing na parang na-admire ko. I don’t know baka kaya siguro sila nagki-click, kasi hindi siya, although she’s also a celebrity every time they’re together, napapansin ko lang, parang hindi siya nakikipag-compete kay Lucky.
“Parang kung ano lang ‘yung lambing niya, ‘Ah, I’m your girlfriend,’ ‘yun lang ang papel niya. Parang wala para i-compete ang sarili niya as a celebrity too. Kaya siguro in a way nagiging masaya ang anak ko,” sabi pa ng actress-politician.
Based on what she said, tinanong namin si Cong. Vi kung may nakita ba or naramdaman ba siya na “kompetsiyon” during Angel Locsin’s time o maski kay Jennylyn Mercado with Luis before, “Wala akong sinasabing ganoon. Pero ang paliwanag ko naman diyan, kapag sinabi ko na hindi nagko-compete maybe because Lucky is more mature.”
Dugtong pa niya, “Jessy is 24. So, ‘yung pagiging youth ni Jessy hindi para i-compete when it comes learnings o mga natutunan ni Lucky, achievements na meron si Lucky, walang ganoon. Maybe because Jessy is a plus factor that she is younger.
“So, wala sa kanya ‘yung competition na hindi nakikipag-comepete sa kaalaman, achievements na meron si Lucky o anumang meron ang buhay ng anak ko,” dagdag pa ni Ate Vi.
Ang kay Jessy lang daw feeling ni Cong. Vi is talagang mahal nito si Luis at mahal din ng anak niya si Jessy. Pareho silang happy at ‘yun daw ang ibig niyang sabihin na walang kompetisyon sa kanila ni Luis.