Happy Together (2) | Bandera

Happy Together (2)

Joseph Greenfield - May 23, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Zandra  ng San Vicente, Apalit, Pampanga
Problema:
1. Bago ko napangasawa ang kinakasama ko dati na siyang may ka-live-in. At sabi nya sa akin ay hindi sila kasal ng dating ka-live in niyang babae. Kaya ng sinagot ko siya ay pinakasalan nya ako kaya kami nga ang naging legal na mag-asawa. Ang problema walang ano-ano, bigla na lang lumutang itong dating ka-live in ng mister ko at nakipagkita sa kanya at may anak pala sila. Nagkausap kami ng babae at ang sabi sa akin, kahit daw ano ang mangyari babawiin nya raw sa akin ang mister ko.
2. Alam nyo Sir Greenfield natatakot ako sa susunod na mangyayari, may habol ba sa mister ko ang babaing ito at maaari bang magkatotoo ang kanyang pananakot na babawiin niya ang mister ko sa kahit anong paraan daw? Ano po ba ang nakikita nyo sa aking palad, darating kaya ang panahong iiwan ako ng mister ko at muli siyang magbabalik sa kanyang ka-live in? April 10, 1987 ang birthday ko at December 4, 1986 naman ang birthday ng msiter ko.
Umaasa,
Sayti ng Zandra ng Pampanga
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing bagamat magulo ang kasalukuyang relasyon, kapag pinaglaban mo ang mister mo sa babaing nanggugulo sa inyo sa ngayon, wala siyang magagapa – kundi ang matalo at magapi, hanggang sa bandang huli tumigil at tuluyan na siyang susuko at tuluyan ng ipagkakaloob sa inyo ang katahimikan ng inyong pamilya.
Numerology:
Ang birth date mong 10 at 4 naman sa mister mo ay nagsasabing kahit na ano ang dumating na pagsubok sa iyong buhay at sa inyong relayson, sa bandang huli, mapagwawagian mo ito, at kayo pa rin ang magsasama habang buhay, sapagkat ang birth date mong 10 at 4 naman ang mister mo ay saydang tugma at compatile talaga sa isat-isa.
Huling payo at paalala:
Zandra ayon sa iyong kapalaran, wala namang problema kung naghahabol man ang dating ka-live in ng mister mo sa kanya, dahil ang totoo pera lang o sustento para sa kanilang anak ang habol nya. Magagawa naman itong ibigay ng mister mo sa kanyang anak sa dati nyang ka live in sa kundisyong hindi na kayo guguluhin ng mga ito. Ganyan nga ang siguradong mangyayari, kaya nga sa malapit na hinaharap tuluyan ng mareresolba ang iyong problema, muli mong masosolo si mister, at habang buhay na uling magiging payapa at maligaya ang inyong pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending