Ni Dominic Rea
NADATNAN kong sobrang busy si Arora Dob – personal assistant ng kaibigang Queen Mother Karla Estrada recently nang bumisita ako sa kanilang bahay sa Quezon City.
Yun pala, kailangan nilang umalis ng house by 12 noon dahil may taping sa Bulacan ang daily morning show nilang Magandang Buhay. I had this one hour tsikahan with my friend Karla and blessed to hear beautiful things from her.
Yes. Contentment means happiness. Yan nga ang nakita kong pagbabago sa buhay ngayon ng kanyang buong pamilya. Kaya naman pursigido siyang magkaroon pa ng investments hindi lang dito sa Manila kundi ganoon din sa kanyang hometown sa Tacloban.
Kilala ko kasi si Karla, sa lahat ng bagay ay pamilya pa rin ang prayoridad niya kahit noon pa.
“Ngayon pa ba Dom? Siyempre, alam mo naman ako pagdating sa pamilya. Buong barangay ang umaasa sa akin. So, habang nandiyan ang pagbuhos ng tiwala at biyaya, ilaan natin sa mga bagay-bagay na magaganda at kinabukasan ng lahat ang mga kinikita.
“Dahil alam naman nating lahat Dom na hindi forever ang mga ganitong pagkakataon. Kaya ipon at tipid-tipid. At ikaw rin magtipid ka at mag-ipon!” tsururot pa ng aming kaibigan.
Napansin ko ang mga nakasupot na mga grocery items sa aking likuran sa may bandang kitchen ng bahay nila kaya naitanong ko kung para saan ang mga ito.
“Mga simpleng bagay yan Dom na alam mo na. Kahit sa mga ganyang bagay man lang ay maiparating ko sa mga kapwa nating naghihikahos din sa buhay ang ating maliit na pagtulong sa kanila. Alam naman natin Dom kung paano mangalam ang sikmura kaya ginagawa namin ang ganyan.
“Ang sarap kasi sa buhay na nakakatulong tayo sa iba. Yung ganyan, maliliit na mga supot-supot pero kapag inabot mo na sa kanila, heaven! Ang gaan at ang saya sa puso Dom,” sabi sa amin ng butihing ina ni Daniel Padilla.
Yes! Tahimik lang na gumagawa ng mga ganito charity works ang TV host-singer. Naglalagay ng mga grocery items na kailangan ng ating sikmura at siya pala mismo ang pasimpleng nag-aabot nito. Hindi ko ma-imagine na minsan gumigising pa siya ng umagang-umaga dahil alam niya pala kung saan natutulog ang mga namamalimos at ‘yung mga nakatira sa mga kariton. At siya mismo ang nag-aabot ng mga inihanda niyang pagkain at grocery.
Kakaiyak ang iyong kagandahang loob Queen Mother. Ayon nga kay Anne, sister ni Karla, matagal na nila itong ginagawa nang tahimik lang at walang nakaharap na kamera! Kaya nakakabilib ka, Queen Karla!
MOST READ
LATEST STORIES