Phoenix naungusan ng Mahindra sa overtime

NANATILING buhay ang tsansa ng Mahindra Floodbuster na makausad sa playoff round matapos nitong maungusan ang Phoenix Petroleum Fuel Masters sa overtime, 122-121, sa kanilang 2017 PBA Commissioner’s Cup game Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Gumawa si LA Revilla ng 26 puntos para pamunuan ang Floodbuster na umangat sa 3-7 kartada.

Si Reden Celda ay kumamada ng 25 puntos, kabilang ang game-clinching basket, habang sina Keith Wright at Eric Camson ay nag-ambag ng 18 at 17 puntos para sa Mahindra.

Si Jameel McKay ay kumana ng 18 puntos para pangunahan ang Phoenix Petroleum na nalaglag sa 4-6 record.

Si Matthew Wright ay umiskor ng 17 puntos habang sina RJ Jazul at Mark Borboran ay nagdagdag ng tig-15 puntos para Fuel Masters.

Read more...