NGAYONG malapit nang matapos ang primetime serye nina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours, siguradong may bagong pasabog ang magka-loveteam sa AlDub Nation.
Isa na nga rito ang posibleng pagbabalik ng phenomenal Kalyeserye ng Eat Bulaga na naglagay kina Maine at Alden sa tugatog ng tagumpay.
Natigil pansamantala ang segment na ito sa number one at longest running noontime show sa Pilipinas dahil na rin sa launching series ng AlDub sa GMA kaya naman siguradong miss na miss na ng mga Dabarkads ang KS sa EB.
Kamakailan, nagsanib-pwersa muli ang AlDub loveteam at ang tatlong makasaysayang lola (Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros) sa matagumpay na “KS Sa US (Kalyeserye Sa US)” na ginanap sa Pasadena Civic Auditorium sa Los Angeles, California noong April 9 at King Theatre sa Brooklyn, New York noong April 12.
Huling napanood ang Kalyeserye sa telebisyon noong Disyembre, nakita natin sina Maine bilang Yaya Dub at Alden bilang Bae Alden kasama ang kanilang kambal na sina Charmaine at Richard. Pero sabi nga ng magka-loveteam hindi pa roon nagtatapos ang istorya ng Kalyeserye.
Ayon kay Jenny Ferre, senior vice-president for creatives and operations of TAPE, Inc, nagsilbing karugtong ng KS sa EB ang mga nangyari sa Los Angeles at New York.
“We decided it’s about time to meet the fans abroad naman. Perfect timing lang ‘yun. Okay si Alden, okay si Maine, okay ang mga Lola. Para naman makalabas sila at makita sila ng fans abroad,” sabi niya.
Noon pa nakakakuha ng mga request at offer ang Eat Bulaga na dalhin ang Kalyeserye sa labas ng bansa, ngunit ngayon lang nag-swak ang schedule ng mga Dabarkads.
Dagdag ni Ferre, “Hindi siya repeat lang ng Kalyeserye sa Eat Bulaga. Ang istorya nu’n is the continuation of the Kalyeserye. Iba yung nangyari sa Los Angeles, iba yung nangyari sa New York,” ani Ferre. “So kung saan man kami damputin, yun yung kasunod ng istoryang yun.”
“It’s a chill show. Gusto lang namin na tumawa sila. The shows were done several months after walang Kalyeserye. Sila yung unang nakakita na nagsama yung tatlong lola at sina Alden and Maine kasama ang kambal.
“May mga bagong Rogelio — kasi nga ang mga lola nasa abroad so dapat imported ang mga Rogelio,” kuwento pa ng TV executive.
First time rin ni Maine na magpunta sa US para sa isang Eat Bulaga show, “Noong una, reluctant pa siya. She’s not sure if she can handle the crowd. A show abroad kasi is a like a concert. But kayang-kaya, ang galing naman niya,” sabi ni Ferre.
Soldout ang “KS sa US” shows sa Los Angeles at New York, “Ang ganda. Tuwang-tuwa kami. Nakaka-miss ang Kalyeserye, promise. Miss na miss namin ang mga Lola saka si Alden at saka si Maine.
“Naging therapy ng mommy ko yan sa Pilipinas. Kasi nu’ng pagkamatay ng father ko, naging therapy ni mommy ang AlDub. Kaya feel na feel ko ang Kalyeserye. Bumiyahe pa kami ng five hours from Arizona,” sabi ng isang AlDub fan.
Sabi naman ng isang fan mula sa San Diego, California na nanood ng show sa New York, “They (Alden and Maine) are down to earth, they’re not fake. There’s something about them that I can’t describe it.”
Masaya si Alden na nakasama niyang muli sina Maine, Jose, Wally, at Paolo para sa isang Kalyeserye show, “Nakaka-miss talaga ang Kalyeserye. Tapos nagawa namin siya sa Amerika, at nakakatuwa na relate na relate pa rin sila sa kuwento ng AlDub at ng mga lola. Nakakatuwa, nakaka-miss pala,” sabi ng Pambansang Bae.
Masaya rin sila na makapag-perform para sa mga fans sa US, “Iba kasi yung dating ng Eat Bulaga abroad to the Filipino viewers, especially sa mga OFW. Ramdam mo talaga na yung craving nila for local artists from the Philippines to perform abroad is very huge,” kwento ni Alden.
“Surprisingly, maraming matanda at maraming bata. They have many stories to tell. Kinukwento nila kung paano naging stress reliever sa kanila ang Kalyeserye.
“Kahit yung mga foreigner na asawa nila, nanood din! Maraming bumiyahe from other states. It was overwhelming,” sabi pa ni Ferre.
Ang tanong, posible pa bang bumalik ang Kalyeserye sa Eat Bulaga? Sabi ni Ferre, “Hindi siya patay. Nandiyan lang siya sa tabi. There’s a possibility that it could happen on TV again.
“Maybe a new twist, a new story, or we bring back the Lolas again. It depends on our gut feel e, kung pwedeng ibalik. Or it could be a monthly special, a weekly special.
“Ngayong patapos na yung soap opera nila and they have more time to be on Eat Bulaga, then we will have more time to think up of something else. It could be Kalyeserye or a spin-off or a new thing for them,” aniya pa.
Hirit naman ni Alden, “Ang sarap gawin ng Kalyeserye. It became part of us already. It became a big part of us.”