Juday gustong hiramin ang anak nina Marian ar Dingdong

MARIAN RIVERA AT ZIA DANTES

MARIAN RIVERA AT ZIA DANTES

NARRATOR-host muna ang drama ngayon ni Marian Rivera sa GMA News & Public Affairs OFW drama na Tadhana bago siya sumabak sa ngaragang taping ng bago niyang serye, ang The Good Teacher.

Kagagaling lang ni Yan Yan sa Europe kasama ang asawang si Dingdong Dantes at anak na si Zia nang humarap sa press kahapon. Nagustuhan niya ang tema ng programa dahil naging OFW rin ang kanyang ina.

Isa sa dahilan kung bakit nagpunta siya sa Italy ay para dumalo sa kasal ng isang kaibigan kung saan nagkita sila nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Nagustuhan ni Juday si Zia kaya naman nag-imbita ang young superstar na mag-bonding sila para makasama ni Zia ang anak niyang si Luna.

“Hinihiram nga niya si Zia. Sabi nga niya, ‘O, Dong, Yan, maggala muna kayo. Sa akin muna si Zia.

Gawin n’yo na kung ano ang gusto ninyong gawin!’ Sabi ko, ayoko. Kayo na lang dalawa (ni Ryan) para may time kayo. Nakakatuwa ang mag-asawang ‘yon. Down to earth!” sabi ni Marian.

Habang wala, lumabas na naman ang intriga sa kanila ni Heart Evangelista tungkol sa branded na T-shirt.

“T shirt lang ‘yan. Maliit na bagay at para sa akin, hindi ‘yan magiging basehan upang usisain kung anong klase ng pagkatao meron ka. Para sa akin, hindi big deal talaga. Okay lang. Dedma!” diin ni Marian.

Ngayong hapon na mapapanood ang unang episode ng Tadhana after ng Ika-6 Na Utos.

Read more...