Jen: Malabong mag-propose sa akin si Dennis!

JENNYLYN MERCADO AT GIL CUERVA

JENNYLYN MERCADO AT GIL CUERVA

NANLAKI ang mga mata ni Jennylyn Mercado nang ireto agad sa kanya ang bagong leading man na si Gil Cuerva matapos ang grand presscon ng romantic-series nilang My Love From The Star.

“Nine years, te! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Jen na siyam na taon ang agwat ng edad kay Gil pero di halata, huh!

Guwaping naman ang tingin ng Ultimate Star sa bagong kapareha. Rason niya, “Hindi naman magiging artista ‘yan kung hindi guwapo eh,” rason ng Kapuso actress.

Eh, kahit may Dennis Trillo na si Jen, wala namang panghihinayang si Gil. Tutal naman, meron din siyang girlfriend.

Biro nga lang ni Jen kay Gil, “Alam mo, mas maganda ka pa sa akin! Ha! Ha! Ha! Sinasabi ko lagi sa kanya ‘yon.”

“Hindi, huh!” tanggi naman ni Gil.

Puwede ba siyang ma-in love sa girl na mas may edad sa kanya? “Depende. Age doesn’t matter naman. Focus lang ako sa what’s real!” sagot ni Gil.

Teka, totoo bang seryoso na ang relasyon nina Jen at Dennis kaya napabalitang papunta na sila sa kasalan? “Hindi. Malayo pa ‘yon,” tugon ng Ultimate Star. Dagdag pa niya, malabo pa raw mag-propose sa kanya si Dennis.

“Hindi po namin pinag-uusapan ‘yan. Wala pang pamanhikan. Saka malabong mangyari ‘yon,” sagot ni Jennylyn.

Paano nagkalapit ang pamilya niya at ni Dennis? “Nagdya-jamming pa nga sila! Ganoon lang talaga.

‘Yung daddy ko kasi, musician. So, unang punta nila sa bahay, nagdya-jamming na,” chika ng aktres.
Dahil matatag na ang relasyon nila ni Dennis, walang dahilan upang maging sentro ng selosan si Gil kahit na nga may mga kissing scene sila sa My Love From The Star.

Anyway, mapapanood na ang local adaptation ng Koreanovelang My Love From The Star sa Mayo 29, sa GMA Telebabad.

Read more...