Suspensyon sa direct hire na OFWs tinanggal na | Bandera

Suspensyon sa direct hire na OFWs tinanggal na

Liza Soriano - May 19, 2017 - 12:10 AM

INALIS na ang suspensyon sa pagpoproseso sa mga direct hire na overseas Filipino workers (OFWs) matapos ang isinagawang imbestigasyon ng mga opisyal kaugnay sa napaulat na anomalya sa loob ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ang pansamantalang suspensyon sa pagpoproseso at pagpapalabas ng mga Overseas Employment Certificate (OEC) para sa lahat ng direct-hire na OFW ay para na rin sa kanilang kaligtasan at upang hindi sila maging biktima ng mga iligal na aktibidad sa loob ng POEA.

Sa pamamagitan ng Administrative Order No. 155-A, Series of 2017, inatasan ang POEA at ang Philippine Overseas Labor Offices (POLO) na ipagpatuloy ang pagpoproseso at pagpapalabas ng OEC, na isa sa mga kinakailangan sa ilalim ng panuntunan at regulasyon ng POEA para sa recruitment at pagtanggap ng mga OFW upang matiyak ang kanilang proteksyon at tamang dokumentasyon.

Dapat na  siguruhin na ang mga OFW ay nabibigyang proteksyon sa oras na lumabas sila ng bansa at maiiwas rin sila na maging biktima ng anumang anomalya.

Batay sa 2016 Revised Rules and Regulations on the Recruitment and Deployment of OFWs of the POEA, isinasaad sa Section 123 na “Walang employer ang pinapayagang direktang tumanggap ng mga overseas Filipino worker para sa trabaho sa ibang bansa.”

Isinasaad  ng Section 124 ang ilang exemption na kinabibilangan ng mga employers na malapit na kamag-anak ng OFW, miyembro ng diplomatic corps; international organizations; heads of state at opisyal ng pamahalaan na may ranggo na deputy minister; at iba pang employer na pinapayagan ng kalihim ng paggawa.

Labor Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

Elizabeth Oropesa at the SSS Gallery Renowned actress Elizabeth Oropesa is opening a back-to-back art exhibit together with visual artist Arnel Danga title “1stImpression” at 3:00 p.m.on Friday, May 19, 2017 at the Social Secrity System (SSS) Art Gallery at the 2nd floor of the SSS Building along East Avenue, Quezon City.

Not known to many, La Oropesa is a talented and self-taught visual artist who has been painting for some years now master pieces that are inspiring and riveting. A truly accomplished woman, La Oropesa is also a highly-skilled underwater photographer, licensed diver and an alternative doctor/healer.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?   Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa  [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending